HS friends

Sarap talaga makasama hs friends huhu. Kwentuhan with Christian, Jurell & Johanns till 3am. Dapat walang tulugan kaso naawa sila saken lol. Same topics pa din, pang green minded na tao. Pero syempre hanggang kwentuhan nalang yun, hindi na papaabutin sa actual na bagay. Naaalala ko pa dati, halos silang tatlo rin yung nagturo/nag-explain ng mga bagay bagay. Haha. Nakakamiss shet. Sana dito nalang sila tumira kahit 1 week lang. Huhu ang OA, pero totoo namang nakaka-miss yung hs friends. Yung feeling na kahit more than 1 year kaming hindi nakita-kita, eh unang kita pa lang namin kanina kwentuhan agad, harutan, asaran. Yung feeling na close ko pa rin sila. Aaaaah friends. Tapos yun nga, inabot kami ng 3am kasi nanood sila ng rated pg na indie film sa PBO, tapos nabibitin sila kapag kina-cut yung yung mga scenes. Tapos yun, masasaya kaming nakakapag-kwentuhan at nagpupuyat ng hindi umiinom ng alak, those kind of friends. Shet ang tino ko pala talaga nung high school. Hahahaha. Hay. Same old high school friends. Walang awkwardness. Trashtalkan tungkol sa past lovelife. Yabangan sa course. Kwentuhan syempre. Basagan ng trip. Basta masaya. Sana maulit to ulit.